HomeCelebritiesMga tagasuporta ni PBBM, may paalala sa pangulo: "not squander the chance...

Mga tagasuporta ni PBBM, may paalala sa pangulo: “not squander the chance & trust given to you”

Nagbihay ng reaksyon ang ilang tagasuporta ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. tungkol sa pagpunta nito sa Singapore para manood ng Grand Prix.

Hindi ikinatuwa ng ilan na tinaguriang ‘loyalista’ ang ginawa ni Marcos na pagpunta sa ibang bansa dahil diumano’y nakakasira ito ng imahe.

Ilan sa mga nagbigay ng reaksyon ay si Magali Amman na sinabi na dapat ay hindi sayangin ni Marcos ang ibinigay sa kanyang ikalawang pagkakataon para malinis ang pangalan ng kanilang pamilya.

“If you want complete redemption & vindication do not squander the chance & trust given to you.
It may never happen again.” sabi ni Amman.

Samantala ay iba naman ang hinaing ng isa pang tagasuporta ni PBBM na si John Mabatan kung saan ay inireklamo nito ang hindi magandang serbisyo ng MRT/LRT.

“Ano nangyayari? There is really something wrong going on!” paumpisa ni Mabatan.

“Noong panahon ni PRRD, ganda ng serbisyo ng MRT/LRT. Ngayon kahit simpleng beep card wala na? Di na daw available? Puro single journey ticket na lang? Kaya ayun, balik sa sandamakmak na pilahan na naman!

“I can sense something wrong here. Dahil ba mabait si PBBM Kaya nakakasabotahe na naman ang galamay ng dilawan? Something smells fishy.” sabi pa niya.

IMG 20221003 175526

Sa ngayon ay wala pang sagot ang MalacaƱang sa mga batikos na natanggap nila mula sa mismomg tagasuporta ng pangulo.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular