HomeCelebritiesMamamahayag na si Jay Sonza, naniniwala na may dayaan sa lotto: "Masyadong...

Mamamahayag na si Jay Sonza, naniniwala na may dayaan sa lotto: “Masyadong halata iyong ginawa ninyo!”

Naniniwala ang beteranong mamamahayag na si Jay Sonza na nagkaroon ng anomalya sa nakaraang bolahan ng 6/55 lotto nitong Oktubre 1 kung saan ay 433 ang idineklarang nanalo.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Sonza ang sama ng loob niya kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Johnny Cua at General Manager Mel Robles dahil sa nangyari diumanong dayaan sa lotto.

“Report that 433 persons won the lotto 6/55 is not only impossibe but highly improbable. chances of winning is 1 is to over 13M combinations,” ani Sonza.

READ MORE: Pepsi ‘349’ issue, binalikan ng mga netizens sa gitna ng nangyaring resulta ng 6/55

“Ano iyon? nag-usapusap silang 433 katao from all over the 7,104 islands na pareho silang tataya ng the same combination na 9, 18, 27, 36, 45 & 54. GM Mel Robles & Chairman Cua, kapag nakumbinsi ninyo ang madlang pipol with flying colors, ipapatanggal ko lahat ng grado ko sa math na 10 flat 1 sa college.

“Walang pinagkalayo sa Pepsi 349 Scam iyong 433 katao ang sabay na nanalo sa grand lotto draw 6/55. Hindi rin puwedeng nagka-glitz sa lucky pick system ang computer, kaya umabot ng ganoon karami ang nanalo. otherwise, i could have won 24x over because i bet using lucky pick system.” ani Sonza na isa ring mananaya sa lotto.

“PCSO Chair Johnny Cua & GM Mel Robles masyadong halata iyong ginawa ninyo sa PCSO grand lotto draw. Nakakahiya kayo!!”

Sa ngayon ay planong imbestigahan ng senado ang nangyaring kontrobersyal na pagkapanalo ng napakadaming mananaya sa nasabing bolahan.

Handa naman harapin ng PCSO ang imbestigasyon.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular