HomeSocial MediaIsa sa mga nanalo ng 6/55 lotto, ibinunyag ang kanyang pagkakakilanlan para...

Isa sa mga nanalo ng 6/55 lotto, ibinunyag ang kanyang pagkakakilanlan para patunayan na walang dayaan na nangyari sa bolahan

Matapang na humarap ang isa sa 433 na nanalo ng 6/55 lotto jackpot sa social media upang patunayan na walang nangyaring anomalya sa bolahan na naganap nitong Oktubre 1.

Ipinakita ng nasabing nanalo ang kanyang mukha sa social media at ang cheke na natanggap niya mula sa pagkapanalo sa lotto.

Ayon sa 34-anyos na mananaya ay siya ay taga Quezon City at ang winning combination na 9-18-27-36-45-54 ay matagal na nilang inaalagaan.

310424565 422617296717145 2242545308938355892 n

“Yang winning combination na ‘yan, matagal na ‘yan inaalagaan ng tatay ko.” paumpisa ng jackpot winner. “Nagtatalo pa sila sa bahay kasi sinasabi niya na ‘yung number na ‘yan in sequence masyado baka mahirap mapanalunan.”

“Yung father ko, he always say na swerte ‘yan, sum of 9, taon taon ko nalang naririnig yang sum of 9 na ‘yan paulit ulit, dumating ‘yung araw edi swerte,” dagdag pa niya.

Nagbigay din ng mensahe ang mananaya sa mga netizens na hindi makapaniwala na 433 ang nanalo sa nakaraang bolahan.

“Totoong tao kami, naswertehan lang talaga. Marami siguro talagang naniniwala sa ganong combination whether lucky 9, sum of 9, o simply 9 na swerte sa buhay nila,” aniya.

Masaya narin diumano siya sa natanggap nila kahit na madami ang naghati hati sa jackpot na umabot sa P236,091,188.

Sa huli ay ipinakita nito ang kanyang natanggap na cheke na nagkakahalaga ng 436,196 pesos.

Nagpasalamat din ito sa PCSO dahil sa madaming natutulungan ang nasabing ahensya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular