HomeCelebritiesSen. Koko Pimentel, iimbestigahan ang 6/55 lotto result kung saan 433 ang...

Sen. Koko Pimentel, iimbestigahan ang 6/55 lotto result kung saan 433 ang nanalo

Kinuwestiyon ng mga netizens ang naging resulta ng 6/55 lotto nitong Oktubre 1 kung saan ay 433 na katao ang nanalo sa jackpot na P236-M.

Isa sa mga nagtataka ay ang senador na si Senate Minority Leader Koko Pimentel III kung saan ay tinawag niya na ‘suspicious’ ang naging resulta ng bolahan.

Ayon sa kanya ay balak niyang imbestigahan ang nangyari sa lotto kung malaman kung nagkaroon ba ng posibleng dayaan kaya’t madami ang nanalo.

Naniniwala si Pimentel na kailangang imbestigahan ang nangyaring bolahan upang maprotektahan ang integridad ng lotto na pinamumunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

309840798 3265006490377704 3658855877377342757 n

Maituturing diumanong ‘rare event’ ang nangyari sa lotto dahil mayroon lamang 0.0000034% o 1 sa kada 28,989,675 ang odds para manalo sa 6/55.

Ilang netizen din ang naniniwala na kailangan na i-hold muna ang pamimigay ng nasabing papremyo habang iniimbestigahan ang nangyari.

“A proper investigation SHOULD be made and the prize must be frozen pending the result of the investigation,” sabi ng isang netizen.

Ang winning combination ay 9-18-27-36-45-54.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang PCSO sa posibleng kaharapin nilang imbestigasyon.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular