HomePoliticsSass Rogando Sasot sa panonood ni PBBM ng F1 Race: "At least...

Sass Rogando Sasot sa panonood ni PBBM ng F1 Race: “At least have pics of him being welcomed by the PM”

Tila hindi ikinatuwa ng International Relations Expert na si Sass Rogando Sasot ang pagpunta ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Singapore para manood lamang ng F1 Grand Prix.

Sa kanyang mga post, kinuwestiyon ni Sasot ang naging dahilan ni Marcos kung saan diumano’y inimbitahan ang pangulo ng Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong para manood ng Grand Prix.

Kung ito ang dahilan ni Marcos ay sana’y ipinakita ng kampo ng pangulo na sinalubong ito ng nag-imbita sa kanyang prime minister.

Mas epektibo diumano na makita ng publiko na totoong imbitado si Marcos ng Prime Minister ng Singapore.

“If the president was invited by the Singaporean PM, at least have pics of him being welcomed by the PM, or that he’s watching the Grand Prix with him. But the thing is, there is not even pics of the Singaporean PM watching the Grand Prix yesterday. Visual narratives > verbal narrative.” ani Sasot.

“Kailangang makibagay sa ibang banda” – Dude, we just had an official state visit in Singapore. We don’t even see pics of the president mingling with heads of states sa Grand Prix. Again: visual narrative > verbal narrative.” sabi pa niya sa isa pang post.

Hindi rin siya bilib sa dahilan ng mga nagtatanggol kay Marcos na sinasabi na gagamitin ng pangulo ang pagpunta sa grand prix upang mang-enganyo ng mga bilyonaryo na mamuhunan sa Pilipinas.

“For people who studied statecraft, the reasoning that the President is there to “ask” investors in an informal way will not fly. Heads of states only go when negotiations, conducted by lower level bureacrats, are already in their FINAL stages, for signature. Merong time na PH president talaga naglalako, like PNoy in Europe, but it was to mend relations at that time after PH unilaterally canceled contracts.” aniya.

Sa ngayon ay hindi pa malaman kung kailan uuwi si Marcos sa bansa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular