HomeCelebritiesRenato Reyes, binatikos ang panonood ni PBBM ng Grand Prix: "How much...

Renato Reyes, binatikos ang panonood ni PBBM ng Grand Prix: “How much are the Filipino taxpayers paying for this trip,”

Hindi ikinatuwa ni BAYAN secretary-general Renato Reyes ang ginawang pagtuloy ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa Singapore upang manood ng Grand Prix.

Sa inilabas niyang pahayag, tinawag na ‘insensitive’ ni Reyes ang ginawa ni Marcos kung saan ay kasama rin nito ang anak niyang si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

Ayon kasi sa kanya ay humaharap pa sa maraming problema ang bansa ngunit mas inuna pa ni Marcos na manood ng karera.

FB IMG 1664690388549
Larawan mula sa Twitter

“The weekend getaway to watch the F1 Grand Prix in Singapore during an economic crisis, in the aftermath of Karding, and with public debt breaching P13 trillion is insensitive, unnecessary and irresponsible.” ani Reyes.

Sinabi nito na mali rin ang ginawa ni Marcos na paggamit ng jet, private man ito o pagmamay-ari ng gobyerno.

“If private jet, who paid for it? Or was it lent by someone which would make it qualify as graft. If a government asset was used for the Singapore trip, that means we paid for that weekend getaway. Either way, may mali.” sabi pa ng aktibista.

Kinuwestiyon din ni Reyes kung magkano ang nagastos na pera ng bayan sa pananatili ng mga kasama ni Marcos sa New York.

“The people demand a concrete a response to the economic crisis, not a partying president,” ani Reyes.

20221002 140023

Sa ngayon ay hindi pa kinukumpirma ng MalacaƱang ang pagpunta ni Marcos sa Singapore.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular