HomeSocial MediaPepsi '349' issue, binalikan ng mga netizens sa gitna ng nangyaring resulta...

Pepsi ‘349’ issue, binalikan ng mga netizens sa gitna ng nangyaring resulta ng 6/55

Naging usap-usapan sa social media muli ang Pepsi ‘349’ issue matapos ang nangyaring resulta ng 6/55 nitong Oktubre 1.

Matatandaan na 433 na mananaya ang nanalo sa 6/55 lotto na kung titignan ay napakahirap mapanalunan.

Ngunit ayon sa ilang netizens ay walang wala ito sa nangyari noong 1992 kung saan ay 800,000 na katao ang posibleng nanalo ng grand prize dahil sa isang glitch.

Sa nasabing promo ay aabot ng 1 milyong piso ang grand prize na makakakuha ng tansan na mayroong numero na i-aanunsyo sa telebisyon kada araw.

images 39

Maituturing na tagumpay ang nasabing promo bago pumutok ang kontrobersiya kung saan inanunsyo sa telebisyon na ang nanalong numero ay ‘349’ na daan daang libong tao pala ang may hawak.

Ayon sa ulat ay nasa 800,000 ang naimprinta ng kumpanya na tansan na may numerong 349 na naging ugat ng isyu at demandahan na aabot ng ilang taon.

Libo libong tao ang sumugod sa opisina ng nasabing kumpanya para kunin ang kanilang 1 milyong piso na napanalunan ngunit bigo sila na makuha ito.

Iginiit ng kumpanya na mayroon mang ‘349’ ang mga tansan ng nanalo ay wala naman itong ‘proper security code’ na magpapatunay na hawak nila ang winning crown.

Kung titignan ay aabot sa $32 billion o 1.8 trilyong piso ang kakailanganin ng pepsi upang maibigay nila ang grand prize sa bawat nakakuha ng 349.

Dahil sa imposible itong mangyari ay gumawa ng paraan ang pepsi katulad ng pagbibigay ng 500 pesos sa mga magbibigay sa kanila ng tansan na may 349.

486,170 na katao ang tinanggap ang 500 pesos na aabot din sa 240-M pesos kung pagsasamasamahin.

Ngunit hindi lahat ng mga may hawak ng nanalong tansan ay papayag sa 500 pesos na alok ng Pepsi dahil ang gusto nila ay ang makuha ang jackpot prize.

Dahil dito ay umabot sa ilang rally at demandahan ang nasabing isyu.

Ang ilang rally ay hindi naging mapaya at nag resulta sa pagkawala ng buhay ng ilan, kasama na ang isang bata.

Sa huli ay kinatigan ng Korte Suprema ang Pepsi.

“PCPPI is not liable to pay the amounts printed on the crowns to their holders. Nor is PCPPI liable for damages thereon” ayon sa desisyon ng Korte Suprema noong 2006.

Ayon sa kanila ay hindi na dapat ungkatin muli ang nasabing isyu matapos ang desisyon.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular