HomeCelebritiesPCSO nagsalita matapos 433 ang manalo sa 6/55: "We have found nothing...

PCSO nagsalita matapos 433 ang manalo sa 6/55: “We have found nothing wrong”

Walang nakikitang anomalya ang Philippine Charitg Sweepstakes Office (PCSO) sa nangyaring resulta ng 6/55 lotto.

Matatandaan na hindi makapaniwala ang libo libong mga netizens ng malaman nila na nasa 433 ang nanalo sa 6/55 lotto na mayroong 0.0000034% o 1 sa kada 28,989,675 ang odd para mapanalunan ang jackpot.

Ang winning combination ay 9-18-27-36-45-54

Sa press conference na ginawa ng PCSO, sinabi nila na “natural” lamang na ito ay mangyari kahit na maituturong na record breaking ang nangyaring resulta.

310099084 3265006453711041 7786968350982057276 n

Ayon kay PSCO General Manager Mel Robles ay marami ang nag aalaga ng nasabing winning combination at popular din ang numerong 9.

Maituturing na swerte ang numerong 9 at ang nanalong numero ay divisible by 9.

Sa Japan lang diumano hindi popular ang numerong 9 sa mga mananaya.

We have found nothing wrong, it’s a natural occurrence na may nagaaalaga (ng mga numero) at maraming nanalo,” sabi ni Robles.

309840798 3265006490377704 3658855877377342757 n

“We are pleased na maraming nanalo lalo at magpapasko,” dagdag pa niya.

Sinabi pa nito na mula sa iba’t ibang lugar nakatira ang mga nanalo kaya’t malabo na dinaya ito.

Madami rin sila diumanong auditor kaya malabo na makalusot ang pandaraya sa bolahan.

“Lahat ng draw operations, aside from live telecast ito, merong auditors na nagwiwitness at nagcecertify ng draw proceedings natin,” aniya.

Handa rin nilang harapin ang imbestigasyon na gagawin ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na tinawag na ‘suspicious’ ang resulta ng bolahan.

READ MORE: Sen. Koko Pimentel, iimbestigahan ang 6/55 lotto result kung saan 433 ang nanalo

“Open na kami, we will be presenting the same data.” sabi pa ni Robles.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular