HomeCelebritiesPCSO inilabas ang listahan ng mga lugar kung saan may nanalo sa...

PCSO inilabas ang listahan ng mga lugar kung saan may nanalo sa 6/55

Inilabas kanina ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang listahan ng mga lugar kung saan mayroong nanalo ng jackpot sa 6/55 lotto.

Matatandaan na nitong Oktubre 1 ay nasupresa ang mga netizens matapos ianunsyo ng PCSO na 433 na nanalo ng jackpot sa 6/55 draw.

Hindi maiwasan ng mga netizens na isipin na mayroong anomalya na nangyari sa gitna ng bolahan, ngunit sinigurado ng PCSO na wala silang nakitang kamalian sa resulta ng 6/55.

Ayon pa sa PCSO ay mula sa iba’t ibang probinsya ang nanalo ng jackpot at ipinakita rin nila ang listahan.

Eto ang ilan sa lugar kung saan pinakamarami ang nanalo ng jackpot.

Metro Manila – 151
Cavite – 34
Rizal – 22
Bulacan – 21
Laguna – 21
Batangas – 14
Cebu – 14
Pampanga – 13
Pangasinan – 11
Benguet – 10
Iloilo – 10

310536906 133724386075884 5419054473007199713 n

Handa naman na sagutin ng PCSO ang magiging katanungan sa kanila kung sakali na imbestigahan ng senado ang nasabing resulta.

“Open na kami, we will be presenting the same data.”sabi ni PCSO General Manager Mel Robles.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular