HomeCelebritiesNetizen, sinabing isa si Dominic Roco sa mga dahilan kung bakit ayaw...

Netizen, sinabing isa si Dominic Roco sa mga dahilan kung bakit ayaw ng mga artista sa Oplan Tokhang

Naniniwala ang isang netizen na isa si Dominic Roco sa mga dahilan kung bakit diumano ayaw ng mga artista sa Oplan Tokhang noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang post, sinabi ni Jayson Dumaguin na maaring may iba pang dahilan kung bakit ayaw ng mga artista noon sa paraan ni Duterte na paglaban sa ipinagbabawal na gamot.

Matatandaan na noong 2017 ay hiniling ng mga 168 miyembro ng showbusiness sa gobyerno na itigil na ang ginagawa ni Duterte.

Sinabi din ni Dumaguin na naging parte si Roco ng isang martial law film na ‘Liway’.

Nitong Oktubre 1 ay nagulat ang mga netizens sa pagkakahuli ni Roco na anak ng beteranong aktor na si Bembol Roco.

Kasama nito ang apat pang kasamahan niya na nahuli sa isang townhouse sa Barangay Holy Spirit.

Makikita sa ilang larawan na nakaupo pa sila Roco sa loob ng nasabing townhouse kaharap ang kanilang mga hinihithit ng mahuli sila ng mga otoridad.

Nahuli sila sa tulong ng isang informant na itinuturo ang isa sa mga kasamahan ni Roco.

Dalawang buwan diumanong minanmanan ng mga otoridad ang grupo ng aktor.

Sa ngayon ay hindi pa nagsasalita ang aktor o ang kanyang mga kamag-anak sa nangyari.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 si Roco.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular