HomeCelebritiesKat Alano tila may patama ulit sa asawa ni Vhong Navarro: "I...

Kat Alano tila may patama ulit sa asawa ni Vhong Navarro: “I did an interview with one of your friends!”

Tila may bagong patama ang VJ na si Kat Alano laban sa asawa ni Vhong Navarro na si Tanya Bautista.

Sa kanyang mga tweet, makikita ang mga mensahe ni Alano laban sa isang babae na diumanong ipinagtatanggol pa ang panghahalay ng kanyang asawa.

Ayon kay Alano ay maaring hindi pa alam ng nasabing babae ang mga ginagawa noon ng kanyang asawa kaya’t todo tanggol ito.

Kung totoo daw na sinusuportahan ng nasabing babae ang mga biktima ng panghahalay ay dapat hindi nito harangin ang korte na litisin ang asawa niya.

“She said she supports victims but without a trial she decided ALL OF THEM were not r*ped.” ani Alano.

“Your experience would have told you differently if you had checked.” dagdag pa niya.

Sinabi pa ni Alano na hindi pa kasal ang nasabing babae sa suspek noong nangyari ang mga panghahalay kaya’t maaring wala itong kaalam alam kung ano ang katotohanan.

“And don’t even get me started on THAT girl. She wasn’t married yet at that time so she didn’t know. But her husband knows the truth.”

screencap 2022 10 02 at 11.26.25 AM

Matatandaan na nagbigay ng panayam si Bautista sa mga miyembro ng media noong nakaraan kaya’t naniniwala ang mga netizen na ito ang pinapatamaan ni Alano.

Noon pa lamang ay duda na ang mga netizens na si Navarro ang pinapatamaan ni Alano sa kanyang mga post.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular