HomeCelebritiesAsawa ni Vhong Navarro, may mensahe kay Deniece Cornejo: "Mayroong naghihirap sa...

Asawa ni Vhong Navarro, may mensahe kay Deniece Cornejo: “Mayroong naghihirap sa kasinungalingan mo”

Nagbigay ng kanyang mensahe ang asawa ni Vhong Navarro na si Tanya Bautista kay Deniece Cornejo.

Matatandaan na si Deniece ang naging dahilan kung bakit humaharap ngayon sa patong patong na reklamo ang aktor.

Nakatakdang ilipat sa kustodiya ng BJMP si Vhong sa hiling narin ng kampo ni Deniece.

Hindi naman nagustuhan ni Tanya ang ginagawa ni Deniece sa kanyang asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44)

“Paano mo nakakayanan na mayroong naghihirap sa kasinungalingan mo,” sabi ni Bautista.

Ilang netizens naman ang nagbigay ng pagsuporta kay Deniece.

“Be strong, Ms. Tanya. We are all stand for Vhong Navarro. God is there guide your family. Hindi natutulog ang Diyos. Walang imposible sa kanya. Hindi pababayaan ng Diyos si Vhong. Just trust Him. Lalabas din ang katotohanan. Hindi mananalo ang kasamaan sa kabutihan basta laban lang ng laban. Lilipas din yan. God is with you all the time.” sabi ni netizen RoseSantos.

Matatandaan na ilang beses ng pinasinungalingan ni Bautista ang mga akusasyon ni Deniece.

READ MORE: Misis ni Vhong Navarro, inamin na ‘pambababae’ ang naging kasalanan ng aktor sa kanya: “Pero pinatawad ko siya”

Ayon kasi kay Bautista ay sa kanya lamang mayroong kasalanan si Vhong kung saan ay nagtaksil ito sa kanya.

“Ang gusto ko lang sabihin, alam naman nila kung ano ang totoo. Alam nila, so sa akin may kasalanan si Vhong, sa akin. Inamin niya iyon mula noon. So, sa akin siya may atraso. Pinatawad ko iyong tao and for the last eight years bumabawi siya.” aniya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular