HomeCelebrities24-anyos na SK Federation President, huli dahil sa pagkubli ng armas at...

24-anyos na SK Federation President, huli dahil sa pagkubli ng armas at ipinagbabawal na gamot

Hinuli ng mga miyembro ng CIDG ang nakaupong Sangguniang Kabataan Federation President ng San Miguel, Iloilo nitong Oktubre 1.

Ayon sa report ng CIDG, hinuli nila si Mekhail Khalil Serio Tadifa, 24, na kasalukuyan ding nakaupo bilang ex-officio ng San Miguel City Council dahil sa pagkukubli diumano nito ng mga iligal na bagay katulad ng armas, granada at mga ipinagbabawal na gamot.

Haharap sa patong patong na reklamo si Tadifa na kasalukuyang nasa custodial facility ng CIDG Region 6.

Matatandaan na nahaharap narin noon sa kaso si Tadifa matapos nitong gamitan ng armas ang isang lalaki dahil hindi ito sumunod sa schedule ng basketball tournament na ginanap sa kanilang siyudad.

Kasama din si Tadifa noon sa mga nahuli habang nagsusugal.

Muntikan narin diumano nitong todasin ang dating punong barangay dahil sa napagalitan siya dahil sa hindi pagsosoot ng face mask.

Ikinatuwa naman ng mga netizens ang naging paghuli kay Tadifa na matagal na diumanong inirereklamo sa kanilang lugar.

Isa si Tadifa sa mga nakinabang sa postponement ng Philippine Barangay at Sangguniang Kabataan elections kaya tumanda na siya sa pwesto niya bilang SK President.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular