HomeCelebritiesRobin Padilla, dumaan sa heart procedure: "It’s been a rollercoaster of emotions"

Robin Padilla, dumaan sa heart procedure: “It’s been a rollercoaster of emotions”

Dumaan sa isang heart procedure ang aktor at senador na si Robin Padilla.

Sa ibinahagi na post ni Mariel Rodriguez, makikita ang kanyang asawa bago ito sumalang sa nasabing operasyon na isinagawa sa Asian Hospital sa Muntinlupa.

Maituturing naman na tagumpay ang ginawang procedure sa senador at sa ganyon ay nagpapagaling na.

“We had a successful heart procedure, it’s been a rollercoaster of emotions for us but now ultimately we are just so grateful and we are so blessed that Robin is okay. Thank you for your prayers,” ani Mariel.

Matatandaan na kahapon lamang ay nagtrabaho pa ang senador kung saan ay hindi nito nagustuhan ang isa sa mga sagot sa kanya ng undersecretary ng Department of Foreign Affairs (DFA) na si Eduardo Jose de Vega.

Mahahalata na sa nasabing hearing na mainit ang ulo ng senador lalo na kay De Vega.

“Kaya ang itatanong ko po sana dun kanina sa barumbadong sumagot na undersecretary, siya po sana ang sumagot, [ay] papano niya i-implement sa gitna ng West Philippine Sea ‘yung arbitral ruling.” ani Padilla.

“At kung sasagot po siya, ako po ay senador ng Pilipinas eh galangin po niya ako. Kayo po ‘yun, Undersecretary De Vega. Hindi po nakakatawa,” dagdag niya pa.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular