HomePoliticsDuterte Youth leader Ronald Cardema, sinugod si Kabataan Rep. Raoul Manuel para...

Duterte Youth leader Ronald Cardema, sinugod si Kabataan Rep. Raoul Manuel para makipag-debate

Nagkainitan sa gitna ng Pandesal Forum nitong Oktubre 1 si Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel at National Youth Commission (NYC) Chairperson Ronald Cardema.

Ito’y matapos diumanong sumugod si Cardema sa gitna ng forum kung saan ay nagsasalita si Manuel.

Matatandaan na pinagre-resign ni Manuel si Cardema bilang NYC chair dahil diumano sa mismanagement na ginagawa ng Usec. sa nasabing ahensya.

Walang saysay ang deliberations para sa budget ng [NYC] hangga’t ganoon ang tipo ng pamumuno kaya, Mr. Speaker, we call for the resignation of NYC Chairperson Ronald Cardema, kung hindi po siya magre-resign dahil kumakapit siya sa kanyang posisyon, dapat palitan na siya,” ani Manuel noong Septyembre 28.

Upang sagutin ang mga pahayag laban sa kanya ni Manuel ay pumunta mismo si Cardema sa Pandesal Forum upang sagutin ng harap-harapan ang mga akusasyon ng mambabatas.

Hinayaan naman ng moderator ng forum na sumali si Cardema sa diskusyon na nauwi sa isang mainit na debate.

Tinawag naman na ‘bastos’ ni Manuel si Cardema dahil sa pagsugod nito sa forum.

Sa huli ay nagkamay naman ang dalawa upang ipakita ang kanilang pagiging propesyonal sa publiko.

Matatandaan na noon pa man ay nagpapalitan na ng batikos ang Duterte Youth at Kabataan dahil sa pagkakaiba nila ng paniniwala.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular