HomePoliticsDating Pangulong Duterte, magiging guest sa 'Wowowin' upang mamigay ng papremyo

Dating Pangulong Duterte, magiging guest sa ‘Wowowin’ upang mamigay ng papremyo

Ibinahagi ng television host na si Willie Revillame na nakatakdang lumabas sa kanyang programang ‘Wowowin’ si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP) ibinahagi ni Revillame na pumayag ang dating pangulo na tulungan siya na mamigay ng premyo sa kanyang programa na mapapanood sa AllTV.

Payag din diumano si Duterte na sumalang sa isang exclusive interview na gaganapin sa 2023 sa bagong studio ng Wowowin sa Starmall Edsa.

Ayon kay Revillame ay nag-usap sila ng dating pangulo tungkol sa posibilidad na paglabas nito sa publiko sa kanilang pagkikita sa Rizal Park Hotel nitong Septyembre 28.

Ikinuwento ng host na siya ang inimbitahan ni Duterte na nasa Maynila noong mga panahon na ‘yon para dumalo din sa National Assembly ng PDP-Laban.

Sinabi rin ng dating pangulo na paghahandaan niya ang guesting kay Willie lalo na’t baka may mga itanong ito na mahahalagang bagay.

“Give me time. Pag-aralan ko. Baka hindi ko na… Baka may tanong ka na kailangan ko i-recall.” sabi diumano ng pangulo sa tv host.

Kasama din sa nasabing pagtitipon si Sen. Christopher “Bong” Go na isa rin sa mga kaibigan ni Kuya Wil.

Matatandaan na noon pa lamang ay talagang malapit na si Willie at ng dating pangulo.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular