HomeCelebritiesAnak ng Kakampink na si Bembol Roco, himas rehas matapos mahuli sa...

Anak ng Kakampink na si Bembol Roco, himas rehas matapos mahuli sa buy-bust

Himas rehas ang anak ni Bembol Roco na si Dominic Roco matapos siyang mahuli ng mga otoridad sa isang buy-bust operation.

Kasama ni Dominic na isa ring aktor ang apat pang kasamahan niya kung saan ay nahulihan sila ng 15 gramo na ipinagbabawal na gamot at 10 gramo ng ipinagbabawal namang damo.

Ayon sa mga otoridad ay hindi si Dominic ang kanilang main target sa operasyon kundi ang nagngangalang Reynaldo Sanchez.

Hindi pa sinasabi ng mga otoridad kung isa ba si Dominic sa mga nakaplano nilang hulihin.

Inaasahan naman na haharap sa paglabag sa RA 9165 sila Dominic.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Dominic hanggang sa ngayon.

Naging parte si Dominic ng ilang programa sa GMA-7 at ABS-CBN kasama na ang Kamandag, Super Twins, Super Inggo.

Kasama rin ito sa pelikula na ‘sleepless’ kung saan ay ka-tandem niya ang aktres na si Glaiza de Castro.

Anak siya ng kilalang aktor na si Bembol na matatandaang nagpakita ng suporta noon sa kampanya ni dating vice president Leni Robredo.

“Ngayon, mayroon tayogn Leni Robredo. Sa harap ng mga pagsubok, nagpamalas ng tibay ng loob. Kapag may krisis, labas ang angas… at lakas. Kung saan may sakuna, nangunguna sa pag-ayuda. Basta may problema, doon susuong, dala-dala’y solusyon. Walang inuurangan, debate o panayam.” sabi ng beteranong aktor.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular