HomeCelebritiesAiko Melendez ipinagtanggol si Toni Gonzaga: "Kapag siya also ang kinukuha maganda...

Aiko Melendez ipinagtanggol si Toni Gonzaga: “Kapag siya also ang kinukuha maganda ang sales.”

Ipinagtanggol ni Quezon City Councilor Aiko Melendez ang television host na si Toni Gonzaga mula sa mga netizens na sinisisi ito dahil sa nangyayaring layoff ng mga empleyado ng isang kumpanya na kinuha siyang endorser.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Aiko na mali na sisihin ng mga netizens si Toni dahil lamang sa kinuha itong endorser ng nasabing sikat na online shopping brand.

Naniniwala naman ito na ‘mali ang timing’ na ginawa ng nasabing kumpanya ngunit mali din na kwestiyunin ang istratehiya nila na kunin si Toni para sa manumbalik ang sigla ng kanilang benta.

Hindi kasi maikakaila na isa si Toni sa mga endorser na talagang tinatangkilik ng taumbayan.

“Sana magstick po tayo na mali ang timing ng ginawa Shopee sa pagalis ng mga tauhan nila at pagbabawas. Dahil dipo ito makatao. Pero mali naman ang atakihin nyo ang kinuha nilang endorser dahil iba ang political leanings nya.” ani Aiko.

“Ang shopee din lang ang makaka alam na baka kaya kinuha nila si Toni Gonzaga para maisalba also ang sales nila at eventually pag nakabangon sila ihire back ang mga tao. Sana nga ganun ang diskarte nila, Whether we like it or not si Toni is one of top endorsers and kapag siya also ang kinukuha maganda ang sales.” dagdag pa niya.

screencap 2022 10 01 at 4.47.26 PM
Larawan mula kay Aiko Melendez/FB

Ayon naman sa report ng Inquirer ay sinabi ng Shopee Philippines na kinuha nila si Toni bilang endorser dahil sa appeal nito sa masa at hindi dahil sa paniniwala nito sa politika.

Matatandaan na sinuportahan ni Toni si pangulong Bongbong Marcos Jr. nitong nakaraang halalan.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular