HomeCelebritiesRita Avila, hindi nagustuhan ang ginawa ng ilang Kakampink: "Di na ito...

Rita Avila, hindi nagustuhan ang ginawa ng ilang Kakampink: “Di na ito maganda. Tama na”

Hindi nagustuhan ng aktres na si Rita Avila ang ginagawang paraan ng ilang kakampink na pambabatikos kay Vice President Sara Duterte.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Avila ang isang larawan kung saan makikita ang pag-edit sa mukha ni VP Duterte para magmukha itong Chinese.

Matatandaan na nag-viral ang pabati ni Duterte sa China sa salitang Mandarin na ginawang meme ng ilang netizens.

Ngunit hindi ikinatuwa ni Rita ang pagpapakalat ng nasabing larawan dahil hindi daw ito ang paraan ng pakikipag-away na gusto ni dating Vice President Leni Robredo.

“Dapat sana ay tayong mga Kakampinks ang sumusunod sa kanyang ehemplo di ba?

“Hindi na titigil ang batuhan at ikutan ng panunutya, pag-bully, at galit kapag walang tumigil na isang side. Sana tayo.

“We can fight like sensible adults. We can spread better examples of how to be adults.  We can be more mature.

“Besides yun ang tinuturo sa atin ni Atty. Leni noon pa.” sabi ng aktres.

Umabot naman ng 589 likes sa ngayon ang nasabing larawan.

Isa si Rita sa mga sumuporta noong kampanya kay Robredo at hanggang ngayon ay nagpapakita parin ito ng kanyang paghanga sa dating bise.

Hindi naman nagbigay ng tugon si Duterte sa pambabatikos na natanggap niya mula sa mga netizens dahil sa kanyang paraan ng pagbati.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular