HomeCelebritiesPaglipat ni Vhong Navarro sa Taguig City jail, posibleng matuloy na matapos...

Paglipat ni Vhong Navarro sa Taguig City jail, posibleng matuloy na matapos ang desisyon ng korte

Tila matutuloy na ang paglipat ni Vhong Navarro sa Taguig City Jail matapos ibasura ng korte ang hiling ng kampo ng aktor na manatili sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sa inilabas na desisyon ng Taguig City Regional Trial Court (RTC) sinabi ng korte na walang patunay ang asawa ni Navarro na si Tanya Bautista na mayroon nga na nagpadala sa kanila ng mensahe ng pagbabanta mula sa mga nasa Taguig City Jail.

“While accused would want this Court to believe his legitimate fears for his life and security, he, however, fell short of substantiating the same.” ayon sa korte.

“The SMS message allegedly received by the accused’s wife could not be given credence. First, the motion did not attach proof of the SMS message; and second, the said message, on its own, could be interpreted in so many different ways, not necessarily as a threat to the
life and security of the accused. Moreover, the rest of the allegations in the instant motion, are utterly wanting in factual basis.” dagdag pa nila.

Naniniwala rin ang korte na magiging ligtas si Vhong sa kustodiya ng BJMP sa Taguig.

“It must also be emphasized that the city jail is mandated to exercise great care so that the human rights of the prisoners are respected and protected,” paliwapag na nila.

Matatandaan na hiniling ng kampo ng complainant na si Deniece Cornejo ang paglipat ni Vhong sa BJMP dahil maituturing na special treatment ang pananatili ng aktor sa NBI.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular