HomeCelebritiesJanno Gibbs, itinanggi na nag-ala Jim Paredes siya sa isang video: "Madami...

Janno Gibbs, itinanggi na nag-ala Jim Paredes siya sa isang video: “Madami akong kahawig”

Sa unang pagkakataon ay nagsalita na si Janno Gibbs tungkol sa pribadong video niya na diumano’y kumalat sa social media noong 2018.

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, iginiit ni Janno na hindi siya ang lalaki sa video at maaring ginawa lamang ito upang siraan siya.

Maari diumano na edited ang nasabing video o maaring kamukha niya lamang ang lalaki.

Ayon sa kanya ay hindi na imposible ngayon na manggaya ng mukha ng iba.

“Ang hirap sagutin. Kasi ako, alam ko sa sarili ko na hindi ako yun.” paumpisa ni Janno. “Either sobrang kamukha ko. Hindi naman sobrang ano ng face ko, e. Madami akong kahawig o technically manipulated.”

“Madali na ngayon yun. Nakikita mo naman na sila Keanu Reeves, puwedeng ipatong. But ang problema, pinaniwalaan ng isang tao kung ano ang gusto niyang paniwalaan. Yun ang mahirap, e. Hindi makikinig.” dagdag niya pa.

Sa nasabing video ay makikita ang lalaki na nakahubad at gumagawa ng bagay na kaparehas ng ginawa ng legendary OPM artist na si Jim Paredes sa isang pribadong video.

Matatandaan na isa ito sa mga laging ginagamit na pambatikos kay Janno.

Sa panayam ng PEP noong 2019 ay sinabi ni Janno sa gitna ng pagkalat ng nasabing video medyo ‘na-down’ siya sa mga panahon na ‘yon.

“Talagang medyo na-down ako, hindi ko naman itinatanggi yun. But now, I’m very happy na I’m with Viva, at bumabalik ulit ang confidence ko. Medyo missing in action talaga, admittedly.” ani Janno.

“Ayoko nang masyadong pahabain, but I must admit na nagkaroon ako ng problema dito, problema diyan, but since I signed with Viva as an artist, sila na po ang bahala as manager ko ngayon, feeling ko ay unti-unti nang naaayos ulit.” dagdag pa niya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular