HomeCelebritiesJanno Gibbs, inamin na laos na siya: "Aminado naman akong hindi na...

Janno Gibbs, inamin na laos na siya: “Aminado naman akong hindi na ako sikat”

Inamin ng aktor na si Janno Gibbs na hindi na siya kasing sikat katulad dati at laos na.

Sa panayam sa kanya ng talent manager na si Ogie Diaz, sinabi ni Janno na madalas siyang makatanggap ng mga pambabatikos online dahil sa kanyang mga komento tungkol sa mga nangyayari sa bansa.

Isa sa mga paboritong litanya ng kanyang mga kritiko ay ang salitang ‘laos’.

Ayon naman kay Janno ay alam niyang hindi na siya kasikatan ngayon.

“Aminado naman akong hindi na ako sikat, laos na,” sabi ni Janno.

Pero may sagot naman si Janno sa mga sinasabi na laos na siya.

“Yun ang sinasagot ko. Ang sasabihin ko, ‘Ikaw ba sumikat ka ba?’ Iyan ang sinasagot ko. ‘Ako nalaos pero ikaw ba sumikat ka ba kahit kailan?’ Yun ang mga sagot ko,” sabi pa niya.

“Kapag may movie akong bago, hindi na naman ako laos, di ba? Ganun lang naman yun, e,” dagdag pa niya.

Matatandaan na nag-viral kamakailan si Janno dahil sa kanyang komento sa confidential funds ni Vice President Sara Duterte.

READ MORE: Janno Gibbs sa netizen na di nagustuhan ang patama niya kay VP Sara: “Pera ng taumbayan yon!”

Sa ngayon ay binura na ni Janno ang nasabing post na ‘biro’ lang naman ayon sa kanyang mga tagasuporta.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular