HomeNetizen's VoiceEmpleyado na naalis sa Shopee, itinanggi na si Toni Gonzaga ang dahilan...

Empleyado na naalis sa Shopee, itinanggi na si Toni Gonzaga ang dahilan kung bakit sila nawalan ng trabaho

Itinanggi ng isang dating empleyado ng popular na online store app na ‘Shopee’ na ang aktres na si Toni Gonzaga ang naging dahilan kung bakit sila naalis sa trabaho.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Aigy Rose Alba  na naging Senior Analyst sa Shopee na maraming naging dahilan kung bakit nagbawas ng empleyado ang kanyang dating kumpanya at hindi kasama doon sa mga dahilan na ‘yon si Toni.

Ayon sa kanya ay alam na nila na magbabawas ng empleyado ang Shopee dahil sa pagbagsak ng ekonomiya sa mundo at hindi lamang sa Pilipinas.

Todo pasalamat naman siya sa kanyang kumpanya dahil hanggang sa huli ay ipinakita ng Shopee ang kanilang pagmamahal sa mga empleyado nila.

“Somehow, we saw it coming. With the closure of overseas headquarters due to global recession, we knew we will be affected one day. We weren’t expecting though that it would happen that fast and we weren’t ready. Why? Kasi Shopee never burdened us with their losses. We were just enjoying our free ice cream in the office, perks, goodies, salary etc name it, we get it. On time, on the dot, without fail.” ani Alba.

“Even until the very end, Shopee secured a separation package that is more than what we expected – to make sure that us employees and our families can start anew and still celebrate the upcoming holidays. Probably start a business or buy a new iphone? Sana all!” dagdag niya pa.

Nagbigay din ito ng mensahe sa ilang netizens pinopolitika ang kanyang dating kumpanya at ipinagkakalat na ang malaking talent fee ni Toni ang naging dahilan ng Shopee para sila magtipid.

“Sa mga nagsasabing Shopee choose the endorser vs us, their employees. FYI, Shopee is a business. May business plan and timeline yan. Budgeting didn’t happen overnight. It was already forecasted beforehand. Marketing and OPEX costing are way different. Wala ako sa marketing, pero pwede nyo i-google yan. Also, sa enabler claims nyo, pls don’t forget that we also have ambassadors from the different political spectrum. Wag double standard.” aniya.

“Kaya please! Don’t use our heartbreaks for your political advantage. Stop using us with your cancel culture. You have the right to stand for your political views. Pero wag kami! Iba na lang. Nag momove-on pa lang kami mahirap mawalan ng mabuti at maalagang employer.” dagdag pa niya.

Ibinahagi din ni Alba na nakatanggap siya ng six digits na separation fee mula sa Shopee.

Matatandaan na isa ang celebrity na si Jaime Fabregas sa mga nag-uninstall ng Shopee dahil sa diumano’y ginawang pag-aalis nito ng mga trabahador.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular