HomeUncategorizedAndrew E, kinuhang endorser ng isa pang sikat na online shop brand?

Andrew E, kinuhang endorser ng isa pang sikat na online shop brand?

Kumakalat ngayon sa social media ang isang marketing photo mula sa isang sikat na e-commerce brand kung saan ay makikita ang diumano’y silhouette ng rapper na si Andrew E.

Matatandaan na nagtrending sa social media ang isa pang sikat na online shop app kung saan kinuha nilang endorser si Toni Gonzaga na kilalang tagasuporta ni Pangulong Bongbong Marcos jr.

Dahil dito ay maraming netizens ang lumipat sa karibal na brand nito.

Ngunit ayon sa ilang netizens ay si Andrew E. naman daw ang kukunin na endorser ng kalabang brand ng ineendorso ni Toni.

Ibinahagi ng ilang netizens ang nasabing larawan kasama na ang direktor na si Darryl Yap.

screencap 2022 09 30 at 3.15.02 PM

Mayroon nga lang isang problema, wala pang kumpirmasyon mula sa nasabing online shop brand na kukunin nilang endorser si Andrew E.

Kahit sa kanilang mga official social media account ay hindi makita ang larawan na ipinapakalat ng ilang netizens.

Hinihintay naman ng mga netizens ang magiging pahayag ni Andrew E. at ng nasabing brand kung totoo ba ang kumakalat na balita.

Si Andrew E ang isa sa mga naging aktibong performer noong kampanya ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. kasama si Toni.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular