HomeCelebritiesUnbothered! Toni Gonzaga nagpasalamat sa mga netizen sa gitna ng planong boycott...

Unbothered! Toni Gonzaga nagpasalamat sa mga netizen sa gitna ng planong boycott sa ineendorso niyang brand

Tila hindi apektado si Toni Gonzaga ng mga banta mula sa ilang mga netizens na diumano’y handang i-boycott ang Shopee na kinuha siya bilang endorser.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Toni na kahapon pa lamang ay pinag-uusapan na sila sa social media kaya’t todo ang pasasalamat niya sa mga netizens.

“Since yesterday we are trending, today we are grateful for our netizens for the mentions and engagements,” ani Toni.

toni shopee scaled
Larawan mula kay @celestinegonzaga/Instagram

“They are the reason why we are here today,” dagdag pa niya.

Matatandaan na kahapon pa lamang ay madami ng mga netizens ang binabatikos ang pagpili ng nasabing kumpanya kay Toni bilang endorser.

Ngunit may ilan din naman na nagpakita ng suporta sa aktres sa pamamagitan ng pagbili gamit ang nasabing app.

“Sa totoo lang wala nmn talaga ako plano pang bumili since kakauwi ko lang from my out of the country trip but because I am part of the 31M movement here I am showing my support to  @ShopeePH and miss Toni Gonzaga.” sabi ni @chanyeolwifeof.

screencap 2022 09 29 at 4.20.14 PM

Ang ilang celebrities katulad ni Jaime Fabregas ay nag-uninstall na ng nasabing app bilang protesta.

screencap 2022 09 29 at 4.16.55 PM
Larawan mula kay @celestinegonzaga/Instagram

READ MORE: Jaime Fabregas nag-uninstall ng sikat na online shop app dahil diumano kay Toni Gonzaga

Noon pa lamang ay talagang paborito ng batikusin sa Twitter si Toni dahil sa pagpapakita nito ng suporta kay dating pangulong Bongbong Marcos Jr.

Hindi pa malaman kung magtatagumpay ba ang pambo-boycott ng mga Kakampink sa Shopee na sinubukan na nila sa Maid in Malacañang.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular