HomeCelebritiesToni Gonzaga, bagong endorser ng kilalang online shopping app na 'Shopee'

Toni Gonzaga, bagong endorser ng kilalang online shopping app na ‘Shopee’

Inanunsyo ng sikat na online shopping app na ‘Shopee’ ang kanilang bagong endorser na walang iba kundi si Toni Gonzaga.

Nitong Septyembre 29 ay ipinakilala ng Shopee sa publiko si Toni na kahapon pa lamang ay pinag-uusapan na sa social media ng mga netizens.

Ibinahagi ni Toni sa kanyang talumpati na matagal na siyang loyal customer ng Shopee kaya’t nagagalak siya na kinuha siyang endorser ng nasabing kumpanya.

“I’m very grateful, blessed to be part of the family that giving so much joy to millions of Filipinos not just here but worldwide,” aniya.

Nagpasalamat naman si Toni sa mga netizens na pinag-usapan siya at ang Shopee nitong mga nakaraang araw.

“Since yesterday we are trending and today we are grateful to the netizens for the mentions and engagements. We are grateful to them because they are also the reason why we are here,” sabi pa niya.

Matatandaan na halo halo ang reaksyon ng mga netizens sa naging desisyon ng Shopee na kunin si Toni bilang endorser.

Ang ilan ay sinabi na i-boycott nila ang nasabing online app dahil sa pagiging tagasuporta ni Toni kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. habang ang ilan naman ay sinabi na susuportahan nila lalo ang Shopee dahil sa tv host.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular