HomeCelebritiesShopee number 1 e-commerce sa mga android user sa gitna ng endorsement...

Shopee number 1 e-commerce sa mga android user sa gitna ng endorsement ni Toni Gonzaga

Naging usap-usapan sa social media ang online shopping brand na Shopee matapos nilang kunin na endorser ang kontrobersyal na television host na si Toni Gonzaga.

Maliban sa Shopee ay pinag-usapan din ang karibal na brand ng Shopee na Lazada dahil sa ang ilan diumanong kritiko ni Toni ay lilipat na sa nasabing app.

Sinubukan ng Daily BNC na tignan kung ano na nga ba ang lagay ng dalawang app sa Google Playstore at IOS App Store.

As of 7:30 AM nitong Septyembre 30, 2022 ay nangunguna ang Shopee sa Shopping Category ng Google Playstore habang pumapangalawa naman ang Lazada.

308932211 675090937664526 5483655864489324060 n e1664495014536

Samantala ay nangunguna naman ang Lazada sa IOS App Store habang pumapangalawa naman doon ang Shopee.

307827992 1096631547643327 4532428424259625403 n e1664495086676

Hindi naman malaman kung ito na nga ba ang epekto ng publicity na natanggap ng isyu ni Toni Gonzaga.

Matatandaan na halo halo ang reaksyon ng mga netizens sa naging desisyon ng Shopee.

Ang ilan ay sa nagsabi na hindi na nila gagamitin ang Shopee habang ang iba naman ay nangako na lalo nilang susuportahan ang nasabing app dahil sa kinuha nila si Toni.

Ilan sa mga nag-uninstall na ng nasabing app ay si Jaime Fabregas.

READ MORE: Jaime Fabregas nag-uninstall ng sikat na online shop app dahil diumano kay Toni Gonzaga

Ngunit tila hindi naman apektado si Toni ng mga negatibong pambabatikos sa kanya ay nagpasalamat pa ito dahil sa ‘engagement’ na nakuha niya sa social media.

“Since yesterday we are trending, today we are grateful for our netizens for the mentions and engagements,” ani Toni.

“They are the reason why we are here today,” dagdag pa niya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular