HomeCelebritiesJaime Fabregas nag-uninstall ng sikat na online shop app dahil diumano kay...

Jaime Fabregas nag-uninstall ng sikat na online shop app dahil diumano kay Toni Gonzaga

Tila patuloy parin ang pambo-boycott ng ilang ‘Kakampink’ sa isang popular na online shopping app na napabalitang kinuha ang aktres na si Toni Gonzaga bilang kanilang bagong endorser.

Isa ang aktor na si Jaime Fabregas sa mga nag-uninstall ng nasabing app dahil sa nasabing balita tungkol kay Toni.

Matatandaan na ang television host ay isa sa mga sumuporta noon kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. nitong nakaraang halalan.

I have deleted my S***** account. Matagal ko nang gustong gawin dahil sa gastos pero ngayon nagkaroon ng más malalim na dahilan.” ani Fabregas.

screencap 2022 09 29 at 2.12.48 PM

Ilang netizen naman ang nakisali sa ginawa ni Fabregas at sinabi na handa rin nilang i-boycott ang nasabing online shopping app.

“Ngayon nila matitikman ang hagupit ng mga kakampinks,” sabi ni netizen @carleem13.

“Same reason here Sir. We appreciate you not only as a great actor but also for being a supporter of good governance and for your love for our country. God bless you.” ani @NanayNorine.

Pero may ilan na hindi rin nagustuhan ang ginagawa ni Fabregas at ng ilang Kakampink.

“Paano po aangat ang buhay lahat kung may pa boycot dahil lang kay Toni, na wala namang ginagawang masama? Akala ko ba concern tayo sa ekonomiya at ordinaryong manggagawa?” tanong ni @mahjonggera.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag ang kumpanya sa boycott na kanilang natatanggap sa mga Kakampink.

Maliban sa nasabing online shop app ay nakatanggap din ng boycott noon sa mga Kakampink ang pelikulang Maid in Malacañang na kumita na ng mahigit 600 million pesos.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular