HomePoliticsDating Pangulong Duterte ibinunyag na nabangga niya ang aide niya: "Lumipad talaga...

Dating Pangulong Duterte ibinunyag na nabangga niya ang aide niya: “Lumipad talaga siya”

Ibinahagi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ginanap na National Assembly ng PDP-Laban nitong Septyembre 29 na naaksidente muli siya habang nagmomotorsiklo.

Ayon sa kanya ay nabangga niya ang isa sa kanyang mga security habang nagmomotor sila.

“I drove on the highway..tsk…nabunggo ko iyong security ko. Sabi ko kasi do not run a stride with me, because my peripheral vision…l was looking at a distance; sabi ko, diyan lang kayo sa likod,” ani Duterte.

“Nabunggo ko iyong security ko. Mabuti after the MRI, lahat lahat, okay naman siya. Lumipad talaga siya,” dagdag pa niya.

Iilang beses ng pinigilan ng kanyang mga kasamahan si Duterte na magmotor ngunit hindi niya talaga ito kayang iwanan.

Sa ngayon ay three wheeler na ang kanyang ginagamit sa paglilibot sa iba’t ibang lugar.

Matatandaan na noong 2019 ay tumigil na sa paggamit ng two wheels si Duterte matapos siyang mawalan ng balanse habang nagmomotor sa loob ng MalacaƱang.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular