HomeCelebritiesAsawa ni Vhong Navarro, ibinahagi na 'humahagulgol' ang aktor sa loob ng...

Asawa ni Vhong Navarro, ibinahagi na ‘humahagulgol’ ang aktor sa loob ng selda

Ibinahagi ni Tanya Bautista, asawa ni Vhong Navarro ang kalagayan ng television host sa loob ng kanyang selda sa National Bureau of Investigation (NBI).

Sa panayam sa kanya, sinabi ni Bautista na hindi maitago ng kanyang asawa ang pagkalungkot sa nangyayari sa kanya ngayon simula ng sumuko siya sa NBI nitong Septyembre 20 dahil sa kasong isinampa ni Deniece Cornejo.

Ayon sa kanya ay pinipilit na lamang kumain ng aktor dahil sa kalungkutan na nararanasan niya ngayon.

“‘Okey naman. Mababait naman sila dito.’ Pero siyempre, hindi ko na alam ‘yung hitsura, at ang sabi niya, pinapasaya raw siya ng mga kasama niya roon,” kwento ni Bautista.

“Sabi niya, ‘Hindi ko kayang maging komedyante ngayon.’ Pinipilit niyang kumain. So, ‘yung visit ko sa kanya, kasi nga, parang nagka-catch up kayo. Kailangan ko siyang i-update in terms of ‘yung mga ano sa case,” dagdag niya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44)

Hindi naman daw nakalimutan ni Vhong na kamustahin ang mga malalapit sa kanyang buhay na hindi niya na makausap ngayon dahil sa bawal narin siyang gumamit ng smartphone.

Napansin din ni Bautista na matindi ang epekto kay Vhong ng pagiging mag-isa.

Sobrang ang dami niyang tanong. ‘Kumusta na si Yce? Kumusta ka?’ ‘Yung mga ganoon. ‘Tapos, gusto mong kuwentuhan bigla ng mga light naman kasi masyado nang bumibigat. Tapos ayun, umandar ‘yung oras na kailangan ko na, nu’ng kailangan ko nang umalis, sobrang hagulgol na siya,” aniya.

“Sobrang emotional na niya. Dinig ko talagang humagulgol na siya. Kasi, ‘yun na. First time ‘yung ganoon. Kasi nga mag-isa siya. Sabi ko nga sa iyo, bumabalik na naman ‘yung trauma niya,” dagdag pa nito.

Sa ngayon ay hindi pa malaman kung maililipat ba sa kustodiya ng BJMP si Navarro.

Matatandaan na balak din kasuhan si Bautista ng kampo ni Deniece dahil sa pagsasalita nito sa media habang dinidinig ang kaso.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular