HomeCelebritiesOgie Diaz, dinepensahan ang pagkawala ni Robredo: 'Bakit si Leni ang inaasahan...

Ogie Diaz, dinepensahan ang pagkawala ni Robredo: ‘Bakit si Leni ang inaasahan nila on the ground?’

Dinepensahan ng talent manager na si Ogie Diaz si dating Vice President Leni Robredo mula sa mga netizens na hinahanap ang dating bise sa gitna ng pananalasa ng Karding.

Matatandaan na nitong nakaraang mga araw ay pinag-usapan sa social media ang mga tweet ng Twitter account na si ‘Jam Magno’ kung saan ay hinanap nito si Robredo na nawawala diumano sa eksena.

Maaring ito ang tugon ng nasabing Twitter account sa mga netizens na hinahanap si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Binatikos naman ni Ogie ang mga netizens na tila patuloy na ino-obliga si Robredo na magpakita sa publiko kahit na wala na ito sa pwesto.

“Andami pa ring t*ng*ng troll, no? Si Leni ang inaasahan nila on the ground. Kailangan na talagang tutukan ng gobyerno ang edukasyon. Paurong na sila, di na pasulong.” ani Ogie.

ogie robredo 1

Sa isa pang post ay ibinahagi ni Ogie ang kanyang paghanga sa NGO ni Robredo na ‘Angat Buhay’ na naiulat na tumulong sa ilang nasalanta.

“Wag nyo po masyadong husayan, Madam. Di matanggap ng iba. Di sila sanay sa masipag at may malasakit,” aniya.

Ang talent manager ay kilalang ‘Kakampink’ at tagasuporta ni Robredo na natalo nitong nakaraang eleksyon ng malaking puntos laban kay Marcos.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular