HomeNetizen's VoiceNetizen, may reaksyon sa viral na 'Angat Buhay Truck': "It is just...

Netizen, may reaksyon sa viral na ‘Angat Buhay Truck’: “It is just a truck. It did not show the kind of help Angat Buhay is doing.”

Nag-viral sa social media ang larawan ng isa sa mga Angat Buhay truck sa kasagsagan ng bagyong Karding.

Sa ilang post sa social media, makikita ang nasabing truck na ipinagmalaki ng mga tagasuporta ni dating Vice President Leni Robredo na namumuno sa nasabing NGO.

“Alam mong hindi sayang ang boto mo kapag kumikilos, tumitindig, at lumalaban pa rin ang mga kakampi mo para sa kulay rosas na bukas. Ang tawag dito: tunay na pagpapakatao,” sabi ng isa sa mga netizen na nagbahagi ng larawan.

Pumalag naman ang netizen na si Joie De Vivre sa nasabing pagpapakalat ng larawan ng mga tagasuporta ni Robredo.

Ayon kasi sa kanya ay kataka-taka ang tindi ng paghanga ng mga ‘Kakampinks’ sa nasabing larawan ng truck kahit hindi naman malaman kung ano ba ang aktibidad ng nasabing sasakyan noong mga oras na ‘yon.

“Hindi ko alam bakit impressed na mga admin critics dito. It is just a truck. It did not show the kind of help Angat Buhay is doing. It did not show who they are helping. Ano imaginin lang namin yun? Tapos standard of leadership na agad si Mother Lugaw?” sabi ni Vivre sa kanyang post.

“Salamat sa mga tulong kung meron man.Pero wag nyo na kami i-guilt trip na para bang ang tulong ng AB ang magsasalba sa kaluluwa ng sanlibutan. Uso talaga sabaw sa inyo ano?” dagdag niya pa.

Umabot naman sa mahigit 1,700 reaction ang nasabing post ni Vivre.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular