HomeCelebritiesNahuling komentarista na si Bigwas, sinabi na gagamitin niyang pampiyansa ang naipon...

Nahuling komentarista na si Bigwas, sinabi na gagamitin niyang pampiyansa ang naipon niyang barya: “Magsasama parin tayo”

Kumpiyansa ang komentarista na si Tommy Abile o mas kilala bilang ‘Bigwas’ na makakasama niya kagad muli ang kanyang mga tagasubaybay sa gitna ng pagkakahuli sa kanya ng mga otoridad dahil sa kasong cyberlibel.

Sa isang video bago siya hulihin ng mga otoridad, sinabi ni Abile na agad niyang aasikasuhin ang isinampang kaso laban sa kanya upang makapagpiyansa siya.’

Ayon sa kanya ay ikinagulat niya rin ang mabilis na paghahain ng korte ng warrant laban sa kanya.

“Nagulat ako dahil may warrant na kaya hindi muna ako makakapag-broadcast ngayon dahil asikasuhin ko kagad ang piyansa,” ani Abile.

“Pero mga ka-bigwas, wag kayong mag-alala dahil magsasama tayo muli,” dagdag niya pa.

Tommy Abile Bigwas

Sinabi nito na hindi muna siya mamamato ng barya sa darating na Bagong Taon dahil gagamitin niya muna ang mga naipon niya para makapagpiyansa.

“May iniipon akong limang piso, sampung piso na ipapa-shower ko tuwing New Year ‘yan ang gamitin ko na pagpiyansa.” sabi pa niya.

Kilala si Abile sa kanyang mga ipinapakalat na impormasyon at komento.

Lalo pa itong nakilala matapos niyang gawing paksa ang kaso ni Jovelyn Galleno.

Ngunit hindi nagustuhan kahit ng mga otoridad ang kanyang mga ipinapakalat na impormasyon na wala naman diumanong katotohanan.

Sa ngayon ay hindi pa malaman kung nakapagpiyansa na nga ba ang komentarista.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular