HomeCelebritiesLolit Solis, nagpasalamat kay Kris Aquino dahil natulong parin ito kahit may...

Lolit Solis, nagpasalamat kay Kris Aquino dahil natulong parin ito kahit may sakit siya: “Kris Aquino will always be special”

Todo ang pasasalamat ng talent manager at kolumnista na si Lolit Solis sa television host na si Kris Aquino dahil sa tulong na ibinigay nito sa kanya kahit na mayroon din itong karamdaman.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Lolit ang mensahe ng pasasalamat niya kay Kris na agad diumano siyang tinulungan ng malaman na siya ay dumadaan na sa dialysis.

“To think na meron siyang sakit at nasa abroad siya. Talagang kahit love/hate ang relationship namin dalawa, hindi talaga nalimutan ni Kris Aquino ang naging friendship namin.” ani Lolit.

“More than anything gusto ko gumaling si Kris para sa mga anak niya. Sana naman anuman ang sakit niya gumaling na at maging energetic siya uli. Kris Aquino will always be special sa lahat ng tao na natulungan niya, sa mga kaibigan niya, at lalo na sa nagmamahal sa kanya.” dagdag niya pa.

Matatandaan na nagkaroon ng alitan ang dalawa dahil sa ayaw nila Lolit noong iwan ang co-host nila sa programa na si ‘Mr. Fu’.

Nakatakda noon na magkaroon ng online show si Kris, Lolit, Mr. Fu at Cristy Fermin ngunit ayaw diumano ng Queen of all Media na makasama si Fu.

“Ang sabi ni Kris Aquino, kami lamang daw ni Manay Lolit ang gusto niyang makasama. Hindi raw niya kilala si Mr. Fu. at hindi namin ka-level si Mr. Fu.” ani Fermin.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular