HomeCelebritiesKung interesado lang! Green Soldier ibinebenta ang kanyang 'art toy' sa halagang...

Kung interesado lang! Green Soldier ibinebenta ang kanyang ‘art toy’ sa halagang P2,500

Matapos batikusin ang kanyang mga bashers na diumano’y lagi siyang hinihila pababa ay tila kalmado na ngayon ang internet celebrity at mime street performer na si ‘Green Soldier’ o Jhonwel Reyes sa totoong buhay.

Matatandaan na nitong nakaraang Lunes ay inanunsyo ni Reyes na hindi na niya itutuloy ang pagbebenta ng mga ‘art toy’ dahil sa mga basher niya na kinukwestiyon ang presyo ng kanyang laruan na nagkakahalaga ng libo libong piso.

Halata naman ang pangigigil at pagkadismaya ni Reyes sa natatanggap niyang pambabatikos.

READ MORE: Green Soldier, ipinatigil ang pagbebenta ng kanyang laruan na nagkakahalaga ng libo libong piso: “UGALI NINYO KALKALIN NINYO! MGA UNGGOY!”

Ngunit matapos ang ilang minuto ay inalok muli nito ang kanyang mga laruan sa mga netizens at dito ay sinabi niya na ang halaga nito ay aabot sa P2,500.

“Mga pamangkin ko, 💚 Ganito nalang, Kunsakaling may interisadong kumuha sa ART TOY na ito. Comment mine nalang. At ippm nalang namin kayo. 2,500 to para wala ng PISONG SUKLI. Salamat po,” ani Reyes.

tito noel
Larawan mula kay Tito Noel Official/FB

Sa ngayon ay tila tuloy na muli ang pagbebenta ng art toy ni Green Soldier.

Si Green Soldier ay sumikat sa social media matapos magustuhan ng mga netizens ang kanyang mga street performance sa Baguio City.

Agad naman na dumami ang fans nito ngunit hindi rin naiwasan na magkaroon siya ng mga isyu at kritiko sa social media.

Gayon pa man ay tuloy tuloy parin ang pagsikat ng internet celebrity na kinuha rin bilang endorser ng isang sikat na mall.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular