HomeCelebritiesKomentarista na si Tommy Abile alyas 'Bigwas' hinuli dahil sa cyberlibel

Komentarista na si Tommy Abile alyas ‘Bigwas’ hinuli dahil sa cyberlibel

Himas rehas ngayon ang komentarista na si Tommy Abile matapos itong hulihin ng mga otoridad dahil sa kasong cyberlibel nitong Septyembre 28, 2022.

Si Abile ay isang kilalang mamamahayag sa Palawan na nagpakalat ng halo-halong teorya tungkol sa kaso ni Jovelyn Galleno.

Makikita sa ilang larawan na ipinakalat sa social media ang pagkahuli kay Abile na nakangiti pa habang kinukuhanan ng mga otoridad.

Ayon kay PCAPT. PAULINO TUGADE JR. ng CIDG Palawan ay maayos namang sumama sa kanila si Abile na kanilang hinuli habang ito ay nasa kanyang istasyon.

Tommy Abile mugshot
Larawan mula sa PNP Palawan

Sampung libong piso ang inirekomenda na piyansa ng korte para sa pansamantalang kalayaan ni Abile.

Matatandaan na nitong mga nakaraang linggo ay naging usap usapan si Abile dahil sa kanyang mga pahayag tungkol sa kaso ni Galleno.

Isa na dito ay ang diumano’y ‘tanim buto’ na ginawa ng mga miyembro ng Puerto Princesa PNP upang idiin ang suspek na si Leobert Dasmarinas sa kaso.

Kamakailan lang ay binatikos din nito ang isang kapwa niya mamamahayag na diumano’y gumagawa ng iligal na gawain.

Inulan naman ng suporta si Abile mula sa kanyang mga tagasuporta na patuloy na naniniwala sa kanya.

“Kung sino pa yong gusto ng katotohanan yon pa ang hinuhuli.” sabi ni netizen EJ Azucena.

“Baliktad yata ang hinuli nyo….. God bless you sir Tommy…” komento ni Fredy Labutoy.

May ilan din naman na ikinatuwa ang pagkahuli kay Abile.

“Hindi na nadala, yan ang resulta ng mga taong nagpapakalat ng maling information.” wika ni netizen Ate Beth.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag si Abile.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular