HomeCelebritiesIlang netizens, sinabing ibo-boycott ang ilang produkto at sikat na online shop...

Ilang netizens, sinabing ibo-boycott ang ilang produkto at sikat na online shop na kinuhang endorser si Toni Gonzaga

Ilang netizen sa Twitter ngayon ang diumano’y planong i-boycott ang ilang mga kumpanya na ineendorso ng television host at actress na si Toni Gonzaga.

Nitong Septyembre 28, 2022, nag-trending muli si Toni sa social media dahil sa anunsyo ng isang sikat na e-commerce company na diumano’y kinuhang endorser ang aktres.

Dahil dito ay ilang kritiko ni Toni ang gigil na gigil dahil sa tila hindi parin nauubusan ng blessing ang actress kahit na ilang beses na nila itong binatikos.

Bilang ganti ng ilang netizens ay lilipat na lamang daw sila sa kalabang kumpanya ng nasabing sikat na e-commerce brand bilang protesta.

I srsly still like S***** better than L***** kahit na hindi na stackable vouchers nila but S***** getting T/oni G as an endorser is the last straw for me,” sabi ng isang netizen.

toni 3

“Uninstalling s***** and putting that 1 star review.” wika naman ng isa pang dismayadong netizen.

toni 4

Ngunit may ilan naman na sinabi na walang magagawa ang pambo-boycott ng mga netizens sa mga produkto na ineendorso ni Toni.

“She’s set for the rest of her life, pati mga magiging apo niya. But did yall ever consider what boycotting a brand is going to do to the workers? Syempre hindi kasi puro kayo performative activism,” sabi ni netizen @#mischanter.

toni 2

Sa ngayon ay hindi pa kumpirmado na si Toni nga ang kinuhang endorser ng nasabing e-commerce brand at bukas pa ito malalaman.

Matatandaan na lumobo ang dami ng kritiko ng television host matapos itong magpakita ng kanyang suporta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong nakaraang eleksyon.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular