HomePoliticsAtty. Mike Toledo, papalitan diumano si Atty. Trixie Cruz-Angeles bilang press secretary

Atty. Mike Toledo, papalitan diumano si Atty. Trixie Cruz-Angeles bilang press secretary

Usap-usapan ngayon sa social media ang diumano’y pagpalit ni Atty. Mike Toledo kay Atty. Trixie Cruz-Angeles bilang susunod na press secretary.

Sa kanyang Facebook post, tinawag na ‘incoming press secretary’ ng mamamahayag na si Ramon Tulfo si Toledo na naging presidential spokesperson noon ni dating pangulong Joseph Estrada.

Punong puno naman ng papuri si Tulfo kay Toledo at sinabi na nababagay ito bilang susunod na tagapagsalita ng pangulong Bongbong Marcos Jr.

“Toledo, a graduate of the UP Law and Masters of Laws in London School of Economics, is a balikbayan. Some lady reporters swooned over Mike— secretly, of course— when he was President Erap’s spokesman.” ani Tulfo.

“Like Teddyboy Locsin’s during the time of President Cory Aquino, Mike’s face was described as “makalaglag pante.” Presidential spokespersons should be suave and good-looking, like Teddyboy and Mike, in this age of television when appearance matters.” dagdag niya pa.

Noong 2018 ay nagbigay rin ng payo si Tulfo na ipalit si Toledo kay presidential spokesperson Harry Roque ngunit hindi ito napagbigyan.

Si Toledo ay managing director for government and public affairs ng Metro Pacific Investment Corp. na pagmamay-ari ng bilyonaryong si Manny V. Pangilinan.

Kasama rin ang abogado sa naging pagpunta ni Pangulong Marcos sa Amerika.

Sa ngayon ay wala pang sagot si Cruz-Angeles sa mga nasabing ulat.

Matatandaan na nitong nakaraang linggo ay pinalitan din ni Pangulong Marcos ang kanyang executive secretary na si Vic Rodriguez.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular