HomeSocial MediaAsawa ng isa sa mga bayaning bulacan rescuer, alam na masaya ang...

Asawa ng isa sa mga bayaning bulacan rescuer, alam na masaya ang kanyang kabiyak: “Namatay siya ng nagsisilbi sa bayan”

Ibinahagi ng asawa ng isa sa mga bayaning bulacan rescuer na si Troy Justin Agustin kung gaano kamahal ng kanyang kabiyak ang trabaho nito bilang tagapagsagip.

Matatandaan na nasawi si Agustin at apat niya pang kasamahan na miyembro ng Bulacan PDRRMO na sina Narciso Calayag, Jerson Resurreccion, George E. Agustin at Marby Bartolome sa gitna ng kanilang rescue operation nitong Septyembre 25, 2022 sa bayan ng San Miguel.

Sa panayam ng Unang Hirit kay Jessa Agustin, sinabi nito na sa anim na taon na miyembro ang kanyang asawa ng PDRRMO ay hindi ito umatras sa kahit anong misyon.

Ayon pa sa kanya ay naniniwala siyang masaya ang rescuer kung nasaan man siya ngayon dahil sa nagsakripisyo siya ng buhay para sa bayan.

“Kahit saan ipatapon yan, nagpunta sila ng Porac (Pampanga), Davao lahat ‘yan walang katangi-tangi kasi mahal niya ‘yung trabaho niya,” sabi ni Mrs. Agustin.

“Kaya alam ko masaya siya sa ganyang nangyari kasi namatay siya ng nagsisilbi sa bayan,” dagdag niya pa.

Naiwan ni Agustin ang dalawa niyang anak na nasa 9 at 2-anyos.

Hindi naman makapaniwala ang isa sa mga kaanak ng rescuer na si Calayag na masasawi ang mga rescuer dahil alam niya na matindi ang training na pinagdaanan ng mga ito.

Sa ngayon ay nakatakadang kilalanin ng gobyerno ang kabayanihan ng limang rescuer.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular