HomeSocial MediaAnak ng tricycle driver, nag-alok ng libreng sakay bilang pasasalamat sa pagkakapasa...

Anak ng tricycle driver, nag-alok ng libreng sakay bilang pasasalamat sa pagkakapasa ng anak niya sa licensure exam

Hindi maitago ng isang tricycle driver ang kagalakan dahil sa nagbunga na ang kanyang ilang taong pagsisikap.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Jona Mae Paniza ang isang larawan upang ipakita kung paano ipinagdiwang ng kanyang ama na tricycle driver ang pagkakapasa niya sa Social Work Licensure Exam.

Makikita sa larawan ang karatula kung saan nakalagay ang “libreng sakay” na pasasalamat niya sa pagkakapasa ng kanyang anak.

Todo pasalamat naman sa Panginoon si Jona dahil sa nalagpasan niya ang mga pagsubok na pinagdaanan niya habang nagre-review para sa licensure exam.

“THANKYOU LORD SA ANSWERED PRAYER,” sabi ni Jona sa kanyang post.

Nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Social Work sa Ramon Magsaysay Memorial Colleges si Jona.

Ilang netizens naman ang binati si Jona at ang kanyang ama sa pagkakapasa nito.

Ang isang negosyante ay nag-alok pa nga ng libreng tanghalian para sa pamilya ni Jona.

“Kung proud ka Po sa anak mo tatay, mas proud Po sya sa inyo dahil sa kahit Anong hirap nakayanan nyo Po para mairaos at mapagtapos Ang anak nyo sa pag aaral. Kudos po!” sabi ni netizen Melissa Pearl.

“Napakagandang paraan ng pagdiriwang ng isang napakasayang okasyon. mabuhay po ang graduate at ang kanyang ama!” komento ni Chavi Sinsuat.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular