HomeCelebrities'Seenzoned!' Vhong Navarro, hindi diumano pinansin ng isang kaibigan na hiningan ng...

‘Seenzoned!’ Vhong Navarro, hindi diumano pinansin ng isang kaibigan na hiningan ng tulong

Isang kaibigan diumano ni Vhong Navarro ang hindi na pinapansin ang aktor simula ng mabuhay ang kaso na isinampa laban sa kanya ni Deniece Cornejo.

Sa programa ni Ogie Diaz, ibinahagi nito na may mga hiningan ng tulong si Vhong na isang kaibigan ngunit hindi man lang daw siya pinansin ng mga ito.

Ayon kay Ogie ay “seen” lamang ang naging tugon ng kaibigan na inaasahan sana ni Vhong na tutulong sa kanya.

Sinabi pa ng talent manager na halimbawa ang nangyari kay Vhong na hindi lahat ng kaibigan ay totoo at malalaman lamang niya ito kapag nasa kagipitan na siya.

“Hay naku, siyempre doon mo mate-test ‘yung mga tunay mong kaibigan sa panahong kailangang-kilangan mo sila. Kaya tama si Janus del Prado sa sinabi niyang, iba ‘yung personal friends sa taping friends or sa shooting friends or show friends.” sabi pa ni Ogie.

Naniniwala si Ogie na kakaunti lamang ang totoong kaibigan sa showbusiness kaya’t mas pinili niya na kakaunti lamang ang mga maging kaibigan.

Kwento pa ni Ogie ay isa ang aktor na si Billy Crawford sa mga huling nakausap ni Vhong bago ito pagbawalan ng mga otoridad na gumamit ng gadget.

Sa ngayon ay hawak parin ng National Bureau of Investigation (NBI) si Vhong habang inaalam pa kung maari na bang dalhin sa BJMP sa Taguig City ang aktor.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular