HomeCelebritiesPwersahan na! Willie Revillame, tinigil ang pagpapalabas ng Wowowin sa social media:...

Pwersahan na! Willie Revillame, tinigil ang pagpapalabas ng Wowowin sa social media: ‘Gusto namin nakatutok kayo sa AllTV!’

Itinigil na muna pansamantala ang pagpapalabas sa social media ng programa ni Willie Revillame na Wowowin upang sa AllTV lamang ito mapanood ng mga netizens.

Nitong Lunes, Septyembre 26, nagdesisyon si Willie na itigil na muna ang livestreaming ng Wowoin sa mga social media platforms kung saan libo libong fans nila ang nanonood.

Ayon kasi kay Willie ay gusto niya na sa AllTV na pagmamay-ari ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) ni Manny Villar manood ang mga fans.

“Wala tayong Facebook at YouTube ngayon kasi ang gusto namin ng AMBS management ay nakatutok kayo sa TV,” ani Willie.

“Ang hirap manood sa cellphone kung kayo ho ay nasa biyahe.” dagdag niya pa.

Hindi naman malaman kung mababa ba viewership ng Wowowin sa AllTV kaya’t ginawa ito ng television host.

Sa ngayon ay hindi pa sinasabi ni Willie kung kailan babalik ang kanyang programa sa social media.

Samantala ay sinabi niya na magkakaroon ng Sunday variety show ang network na ipantatapat sa GMA.

Matatandaan na inulan ng batikos ang unang araw ng AllTV dahil sa mga ilang ‘error’ na nangyari sa gitna ng performance ng ilang mga artista doon katulad ni Toni Gonzaga.

Sinagot naman ito noon ni Willie at sinabi na natural lamang na magkaroon ng pagkakamali ang network dahil sa kakaumpisa pa lamang nila.

READ MORE: Willie Revillame, may tugon sa mga bumabatikos sa AlTV: “Minsan nakakasama ng loob,”

Bukas din ito na ipalabas ang mga programa ng ABS-CBN sa kanilang network pagdating ng panahon.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular