HomeCelebritiesPamangkin ni Kiko Pangilinan na si Gab, dismayado sa kasalukuyang pamumuno: "Hay...

Pamangkin ni Kiko Pangilinan na si Gab, dismayado sa kasalukuyang pamumuno: “Hay Pilipinas :(“

Hindi maitago ni Gab Pangilinan, pamangkin ni Sen. Kiko Pangilinan ang kanyang pagkadismaya sa kasalukuyang administrasyon.

Isa si Gab sa mga nakisali sa #NasaanAngPangulo trend sa Twitter kung saan ay binatikos ang pagkawala sa mata ng publiko ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga unang oras ng bagyo.

Ayon sa kanya ay tila anim na taon muli na magte-trending ang #NasaanAngPangulo sa kasalukuyang pamumuno.

“Another six years of this consistently trending hashtag: #NasaanAngPangulo, I guess. Hay Pilipinas,” ani Pangilinan.

Ibinahagi din ni Pangilinan ang pahayag noon ni dating Vice President Leni Robredo kay Marcos kung saan ay sinabi nito na hindi nagpapakita ang kasalukuyang pangulo sa mga delikadong sitwasyon.

gab tweet 1

Ilang oras matapos ang tweet ni Gab ay lumabas na sa publiko si Marcos ngunit tila hindi parin nito nagustuhan ang pahayag ng pangulo.

Sa nasabing video na kuha sa situation briefing ng NDRRMC ay makikita ang pagtatanong ni Marcos kung ang mabilis na paglakas ng bagyong Karding ay isa na sa mga epekto ng climate change.

“Lols” komento ni Gab sa nasabing pahayag ng pangulo.

Matatandaan na isa si Gab sa mga sumuporta noon sa kanyang tito ngunit bigo silang maipanalo ito.

9,329,207 lamang ang nakuhang boto ni Pangilinan laban sa kanyang katunggali na si Vice President Sara Duterte na nakakuha ng 32,208,417.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular