HomeCelebrities#NasaanSiLeni at Jam Magno, pinag-usapan sa Twitter dahil sa pagkawala ng dating...

#NasaanSiLeni at Jam Magno, pinag-usapan sa Twitter dahil sa pagkawala ng dating bise sa mata ng publiko

Naging usap-usapan ngayon sa social media ang internet celebrity na si Jam Magno at si dating Vice President Leni Robredo.

Matatandaan na nag-trending sa Twitter ang mga post ng nagpakilalang ‘Jam Magno’ sa Twitter kung saan ay kinuwestiyon nito kung bakit hindi man lang nagpapakita si Robredo sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Karding.

“So hinahanap ngayon ng mga Kakampanget yung pangulo nilang si Leni. Leni lumabas ka, magparamdam ka, pinaghahanap ka na ng mga junakis mo. Alam kong nag-reready ka nang mag-credit grab at mag-photo ops,” ani Jam.

“Nakalabas na yung bagyo wala pa rin si Leni on the ground, akala ko ba lagi siyang nauuna on the ground? Yan ang lider ng mga Kakampanget puro salita, puro tweet, puro coordinate, walang action kaya ayaw sa kanya ng mga tao,” dagdag niya pa.

jam magno 1
Larawan mula kay @ItsJamMagno/Twitter

Pinatulan naman ito ng mga tagasuporta ni Robredo kung saan ay ipinaliwanag nila na hindi na obligado si Robredo na magpakita sa Pilipino, ngunit ginagawa parin nito ang pagtulong sa kapwa.

“Asan na Leni niyo?” 1st of all, she’s now a private citizen & supposed to be, is no longer obliged to think of the welfare of the Filipinos & yet, here she is. Still doing the job to the best of her capabilities. 2nd, si BBM binoto ninyo at ang Presidente, siya ang hanapin niyo!” sabi ni @marieleonor.

“Remember that Angat Buhay is a non-government organization. It is a VOLUNTEER group funded by PRIVATE DONATIONS and not by taxpayers’ money. It acts according to its capacity & no one can demand what it does and does not do. Kung si Leni lagi nyo hanap, sana sya binoto nyo, 31M,” wika ni @migosaur.

Hindi naman malaman kung alam ba ng mga netizen na hindi ang totoong Jam Magno ang nasa Twitter kundi isang ‘fake account’.

Ayon sa isang lumang panayam ay nilinaw ni Jam na wala na siyang Twitter noon pa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular