HomeCelebritiesManunulat na si Jerry Gracio sa mandarin ni VP Sara Duterte: "Parang...

Manunulat na si Jerry Gracio sa mandarin ni VP Sara Duterte: “Parang Butchikik without music”

Nagbigay ng kanyang komento ang nominee ng natalong Kapamilya party-list na si Jerry Gracio sa pagbati ni Vice President Sara Duterte sa People’s Republic of China gamit ang salitang mandarin.

Matatandaan na nitong Septyembre 26 ay ibinahagi ng Chinese Embassy Manila ang pagbati ni Duterte kung saan ay binanggit din nito si China President Xi Jinping, Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian at mga residente ng China.

Ipagdiriwang sa darating na Oktubre 1 ang National Day ng People’s Republic of China, isa sa mga pinakamahalagang okasyon sa nasabing bansa.

Isa si Gracio sa mga tila hindi bumilib sa pagsasalita ng mandarin ng bise presidente.

“Yung isa, in the difficult moments, nagva-vlog; ‘yung isa naman, nagma-Mandarin.” ani Gracio.

“Jusko, tuwang-tuwa ang mga utaw sa Mandarin speech na parang pagbigkas ng Butchikik without music.” dagdag pa niya.

jerry gracio 1

Ilang netizen din ang hindi natuwa sa pagsasalita ng mandarin ni Duterte.

“Bakit pinilit pa kasi mag mandarin? Yan tuloy parang trying hard ang dating. Pwede naman gamiting sariling wika natin para ipaabot ang pagbati o di naman kahit sa wikang english. Kamusta kaya PR team ni Sara?” sabi ni netizen @marbencordero.

“Very unnecessary na nakasalin sa Mandarin ‘yung speech ni Sara Duterte today. Hiningi ba ng sirkunstansya? The speech, to me, could be delivered in English (or in Filipino even).” komento ni @markytagala.

May ilan naman na nagtanggol kay Duterte.

“I admire people who speaks 3 or more languages. So, salute to Sara. You can bash the content of what she said IF you understood it, but to make fun of her effort to speak Mandarin is uncalled for.” sabi ni @soi4_11.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular