HomeCelebritiesGrupo ng mga aktibista, nag-fundraising para sa mga kasamahan nila na hinuli...

Grupo ng mga aktibista, nag-fundraising para sa mga kasamahan nila na hinuli dahil sa pagra-rally sa New York

Nag-umpisa ng isang fundraising ang ilang netizens sa social media upang tulungan ang tatlong aktibista na hinuli ng New York Police Department (NYPD) dahil sa kanilang pangugulo sa pagbisita ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa Asia Society.

Sa ilang post sa social media, makikita ang paghingi ng tulong ng mga netizens para makapag-piyansa ang mga nasabing aktibista.

“Our kasamas need your help!” sabi ng isa sa mga netizens.

Nitong Septyembre 26 ay inanunsyo ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) na nakalaya na ang tatlong aktibista na pawang mga miyembro nila.

Matatandaan na nag-viral sa social media ang ilang aktibista dahil sa mga larawan na kuha habang kinakaladkad sila ng mga security personnel palabas ng building kung saan nakatakdang magsalita ang presidente.

Tinawag na ‘lightning rally’ ang ginawa ng grupo na hindi naman pinayagan ng mga security.

Hindi naman nagbigay ng pahayag ang kampo ni Marcos tungkol sa mga pagra-rally na naganap sa kanyang pagbisita sa Amerika.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular