HomeCelebritiesGreen Soldier, ipinatigil ang pagbebenta ng kanyang laruan na nagkakahalaga ng libo...

Green Soldier, ipinatigil ang pagbebenta ng kanyang laruan na nagkakahalaga ng libo libong piso: “UGALI NINYO KALKALIN NINYO! MGA UNGGOY!”

Itinigil na ng street mime performer na si Jhonwel Reyes o mas kilala bilang ‘Green Soldier’ ang pagbebenta ng kanyang ‘art toy’ na ayon sa ilang netizens ay nagkakahalaga ng libo libong piso.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Reyes ang kanyang pagkadismaya sa mga bumabatikos sa presyo ng kanyang ibinebentang laruan.

Dahil dito ay mas pinili niya na lamang na itigil ang pagbebenta ng nasabing figurine.

Ayon sa ilang netizen ay nasa P2,500 ang halaga ng nasabing laruan.

Green Soldier Art Toy
Larawan mula kay Tito Noel Official/FB

Ipinaliwanag din niya na hindi siya ang nagdikta kung magkano maibebenta ang kanyang laruan kundi ang mga gumawa nito.

“WALA NG FOR SALE NA ART TOY CANCEL NA. Una sa lahat wala namang namimilet na bilhin un!” paumpisa ni Reyes. “Dami lang tumatahol, lalo na ung mga Bashers nakahanap na naman ng Butas para umeksena. FYI lang, ung ART TOY na un,”

“Hindi basta basta ang pag gawa Hand made efforts at time ng J and C Studio at ng Coco toy toys sila din ang nag bigay presyo dahil sila ang nakaka alam nag worth ng ART TOY na ginawa nila. Nakalagay naman for ART TOY COLLECTORS naman. Kaya hindi basta basta ung gawa kaya pricy,” dagdag pa niya.

Hindi pa natapos ang pambabatikos ni Green Soldier sa kanyang mga basher na tinawag niya pang ‘unggoy’.

“NGAUN NYO ISIGAW LAHAT NG MGA SALITA NINYONG KESO MUKANG PERA O ANUMAN!
BUTI SANA KUNG HINDI WORTH IT UNG GAWA NILA UNA SA LAHAT WALANG PILITAN PANGALAWA SILA NAKAKA ALAM NG WORTH NUN DAHIL SILA ANG GUMAWA. SASABIHAN AKO NA MUKANG PERA GINAGAMIT KO KASIKATAN KO IKAYAYAMAN PARA MAG PAYAMAN,” banat ng internet celebrity.

“HINDI AKO SIKAT AT MAS LALONG HINDI AKO NAGPAPAYAMAN!!
HINDI NA KAYO NATAPOS TAPOS NG KAKASAWSAW SA BUHAY NG MAY BUHAY SARILE NYONG BUHAY HINDI NINYO ASIKASUHIN.. UGALI NINYO KALKALIN NINYO! MGA UNGGOY,” dagdag niya pa.

green soldier 1

Matatandaan na binabatikos na noon pa si Reyes dahil diumano sa pagiging mapili nito sa mga papansinin na fans.

Ilan sa mga akusasyon ng mga netizen ay ang pagpansin nito sa mga magbibigay lamang sa kanya ng malaking halaga sa kanyang performance.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular