HomeCelebritiesDennis Padilla, nagsalita sa gitna ng isyu nila ni Julia Barretto: "Hindi...

Dennis Padilla, nagsalita sa gitna ng isyu nila ni Julia Barretto: “Hindi naman ako nanghihingi kahit singkong-duling,”

Ibinahagi ng talent manager na si Ogie Diaz kung ano nga ba ang pahayag ng aktor na si Dennis Padilla tungkol sa alitan nila ng kanyang anak na si Julia Barretto.

Sa kanyang programa, ibinahagi ni Ogie na nakausap niya sa telepono si Dennis kung saan ay tinanong niya ito tungkol sa isyu nila ng kanyang anak.

Doon iginiit ni Dennis na hindi pera ang habol niya sa kanyang mga anak na maituturing na matagumpay na ngayon.

“Sabi ni Dennis, ‘Yung iba kong anak nirerespeto ako. ‘Yung iba kong anak may communication pa rin kami hanggang ngayon,” pagbabahagi ni Dennis.

“Sabi pa sa akin ni Dennis, ‘Hindi nila alam ‘yung totoong kwento.’ Hindi naman ako nanghihingi kahit singkong-duling kasi nagtatrabaho naman ako, may mga raket ako.

“Ayoko ring masumbatan ako ng mga anak ko na ako ay manghihingi kaya gusto ko silang i-meet.’

“‘Gusto ko lang silang makapiling. Tatay lang din naman ako na nangungulila din at nami-miss ‘yung yakap ng mga anak ko,’” wika pa ng aktor.

Matatandaan na nag-viral sa social media ang mga pahayag ni Julia laban sa kanyang ama kung saan ay sinabi nito na hindi niya pa kayang patawarin ang aktor.

READ MORE: Julia Barretto, tumanggi na patawarin ang amang si Dennis Padilla sa ngayon: “Im just not ready”

Hindi naman ito nagustuhan ni Dennis kaya’t naglabas siya ng ilang pahayag upang pagsabihan ang kanyang anak.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular