HomeCelebritiesArnold Clavio, shoutout sa Marcos admin na tulungan si Felix Pangibitan na...

Arnold Clavio, shoutout sa Marcos admin na tulungan si Felix Pangibitan na ‘paniwala’y pinabayaan na ng gobyerno’

Hiniling ng mamamahayag na si Arnold Clavio sa kasalukuyang administrasyon na sana’y matulungan ang mga farmer katulad ni Felix Pangibitan na makabangon.

Matatandaan na nag-viral sa social media si Pangibitan matapos niyang ihayag ang kanyang pag-aalala sa kanyang mga tanim na palay bago ang pagdating ng bagyong Karding.

Matapos dumaan ang bagyo ay mahigit kalahati ng mga pananim ni Pangibitan ang nasira.

Sa panayam sa kanya ni Clavio na host ng Unang Hirit ay hindi rin napigilan ni Pangibitan na maglabas ng sama ng loob sa gobyerno.

“Ganyan po kaming mga farmer, kahit po naaapi kami… aping-api naman talaga kasi kami diba limot kami ng gobyerno,” sabi ni Pangibitan kay Clavio.

Nagbigay naman ng tulong ang unang hirit kay Pangibitan ngunit ayon sa kanya ay sapat na sa kanya ang naihayag niya ang mensahe niya sa gobyerno.

“Kapos po ‘yung suporta nila saming mga farmer,” sabi pa ng magsasaka.

Nangako naman si Clavio kay Pangibitan na tatawagin niya ang atensyon ng gobyerno na ginawa niya naman sa pamamagitan ng kanyang post sa Instagram.

“Shoutout sa Administrasyong Marcos para sa tulong sa mga magsasakang katulad ni Felix na sa paniwala’y pinabayaan na sila ng gobyerno.” sabi ni Clavio sa kanyang post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AkosiiGan😎 (@akosiigan)

Sa ngayon ay wala pang sagot ang Malacanang at ang Department of Agriculture na pinamumunuan mismo ng presidente sa kahilingan ni Pangibitan.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular