HomeCelebritiesPagkasawi ng limang rescuer, isang aral para sa pagpapatupad ng 'force evacuation'

Pagkasawi ng limang rescuer, isang aral para sa pagpapatupad ng ‘force evacuation’

Inulan ng papuri mula sa mga netizens ang limang rescuer na nagbuwis ng kanilang buhay upang mailigtas ang mga humihingi ng tulong na residente sa San Miguel, Bulacan.

Nitong Septyembre 25 ay nagsakripisyo ng buhay ang limang resucer na sina George E. Agustin, Troy Justin P. Agustin, Marby A. Bartolome, Jerson L. Resurreccion, at Narciso Calayag habang ginagawa ang kanilang misyon.

Hindi naman maitago ng ilang netizens ang pagkadismaya dahil sa hindi dapat mangyayari ang pagkasawi ng limang rescuer kung nagkaroon lamang ng force evacuation sa nasabing lugar ay hindi sana kakailanganin pa na magbuwis ng buhay ang mga rescuer.

309017800 10216975269773128 9002011506600383630 n
Larawan mula kay Batang Malolos

Sa ilang social media post ay makikita na isa sa mga sinisisi ng mga netizens ay ang hindi pag-evacuate ng ilang residente doon at saka lamang humingi ng tulong ng lumubog na sa baha ang kanilang lugar.

Isa sa mga nagbigay ng kanyang opinyon ay ang residente ng Baler, Aurora na si Hector Dela Torre kung saan ay ibinahagi niya ang kahalagahan ng force evacuation.

Kung siya ang tatanungin ay hindi na kailangan pa ng ordinansa para lamang mag-evacuate ang mga tao kung alam nila na delikado sa kanilang lugar.

“Kaya po dito sa atin sa Baler ay nagtatakda tayo ng oras sa paghahanda at paglikas, sapagkat pagsinabing “NO MOVEMENT” dapat nasa safe areas na tayo or nasa evacuation center na kung kinakailangan.” ani Dela Torre.

“Tumalima po tayo pag may abiso dahil ordinaryong tao din lamang po ang mga rescuer at may pamilyang iniiwanan upang unahin ang kaligtasan nyo at maiwasan ang sitwasyong tulad nito.” dagdag niya pa.

Ito rin ang sabi ng MDRRMO Dulag kung saan ay sinasabi nila na mahalaga ang pre-emptive at forced evacuation upang hindi na malagay pa sa alanganin ang buhay ng mga sibilyan at rescuers.

“We in the DRRM Office implements pre- emptive and forced evacuation because we aim the public to be safe. Hopefully, our public will also cooperate and not put the lives of the rescuers/responders in jeopardy. Let us help one another to achieve zero casualties in times of calamities. The government cannot do it alone.” sabi ng MDRRMO Dulag.

Sa ngayon ay hindi pa malaman kung nag-utos ba ang bayan ng San Miguel ng forced evacuation.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular